The Sulit Sushi Showdown

Sa aming mundo ngayon, maraming mga kinagigiliwan na produkto katulad ng smartphone, damit, sapatos at iba pa. Sa mga Pilipino, ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay ay ang pagkain. Hindi maselan ang mga Pilipino. Gusto nga nila na mayroon silang mga iba’t ibang restawran na mapapagpilian para pwede nilang matikman ang mga tradisyunal o mga panibagong uri na pagkain.

Ang isang popular na pagkain sa Pilipinas ay ang sushi. Marami pwedeng mapagpilian na Hapones na restawran dito sa bansa. Ang mga pagkain nila ay masasarap dahil madalas ginagamit ng mga restawran ang mga sariwang isda at iba pang sangkap. Dahil sa karamihan ng mga sushi na restawran, gusto namin ngayon ikumpara ang mga sulit na sushi.

Dalawang restawran ang pinili para makikita (at matitikman) namin kung alin ba talaga ang mas sulit dito. Isa sa mga ito ay ang “hip and trendy” na TA KE HO ME food stall na nagtitinda ng mga sushi rolls na P99 lamang (nakakagulat ang presyo, diba?). Ang pangalawa ay ang isang tradisyunal na Hapones na restawran, Izakaya Kikufuji, na nagititinda ng mga sushi rolls na P240 o mas mahal pa dito.

TA KE HO ME

Itong food stall ay nasa 20170103_203523Tomas Morato at nasa gilid ng ABS-CBN Headquarters. Kapag pumasok ka sa loob ng restawran, makikita mo ang isang malaking larawan sa pader na sobrang nakakaaliw! Ito ang kanilang pangunahing dekorasyon at konti lang ang mga upuan at lamesa nila dahil maliit lang ang restawran. Konti rin ang kanilang mga opsyon sa menu pero karamihan ay hindi pa umaabot sa P200.

Nag-order kami ng walong pirasong spicy tuna roll at siyam na pirasong salmon sashimi. Ang isang bahagi ng spicy tuna roll ay P99 at ang sashimi ay P190. Mabilis sila maghanda ng pagkain pero nakita namin na nasa repridyeretor lang ang kanilang mga rolls kaya alam namin na hindi ito sariwa.

Noong nakuha na namin ang mga sushi, 20170103_203834.jpgmedyo nagulat kami dahil ang liit pala ang mga rolls at ang sashimi. Tinikman namin ang mga spicy tuna rolls muna. Sa unang tingin pa lang, mukhang hindi masyadong masarap ang mga rolls. Mababa ang kalidad ng bigas na ginamit nila at maliit lang ang mga piraso ng tuna. May isang roll na kinain namin na medyo malansa. Sa sashimi naman, akala namin na sariwa ang salmon dahil pink ang kulay, pero noong natikman namin ang pagkain, nabigo kami dahil matigas at walang lasa ang salmon sashimi.

Sa kabuuan, ang TA KE HO ME na restawran ay nagtitinda ng pagkain na mayroong mga nakakagulat na presyo, ngunit ang mga sushi rolls nila ay hindi masarap.

Izakaya Kikufuji

Ang Izakaya Kikufuji ay isa sa mga restawran sa Little Tokyo sa Makati. Ang Izakaya ay isang popular na inuman doon dahil ang 15941995_1693425224018638_1345141937_nkaramihan sa pagkain ay bagay sa serbesa. Sa labas ng restawran pa lang, makikita na ang disenyo ng lugar ay parang pumunta na kayo sa Japan. Sa loob, mayroong sushi bar kung saan pwedeng kumain ang mga tao sa harap ng sushi chef habang nagluluto siya.  Mayroon din mga kwarto na kung papasok at kakain ang mga bisita dito, kailangan nila muna magtanggal ng kanilang mga sapatos. Pagkatapos nito, maaari silang umupo sa mga unan na nakalapag sa sahig.

Marami pwedeng kainin sa Izakaya Kikufuji. 15942102_1693425374018623_646304765_n.jpgMayroon silang mga yakitori, udon, donburi, at siyempre, sushi rolls. Ang presyo ng sashimi ay umaabot sa P540. Kung masyadong mataas ang presyo nito para sa iyo, mayroon din mga sushi rolls na hindi mabigat sa bulsa. Ang isang alternatiba ay ang spicy tuna roll na P240 lang para sa walong piraso. Nag-order din kami ng Shake (salmon) sashimi na P250.

Noong dumating ito sa aming lamesa, 15941826_1693426924018468_71666592_n.jpgnakita namin na hindi sila nagtipid sa tuna sa spicy tuna roll dahil umaapaw ang laman. Sa pagkain nito, eksakto lang ang anghang at lasa ng tuna. Kasama sa sushi roll ang malutong na balat ng tempura na nagbibigay na magandang langutngot sa sushi. Para sa mga sashimi naman, masasabi namin na sariwa talaga ang isda dahil malangis at malambot ito.

Sinong Nanalo?

Bagamat mas mahal ang sushi rolls sa Kikufuji, ang timpla at laman nito ay katakam-takam. Sariwang-sariwa ang ginamit na isda at nakakabusog pa ang mga sushi rolls dahil ang dami ng tuna na nilagay dito. Pati ang sashimi nila, sobrang sariwa at malambot kaya sobrang nasasarapan kami dito. Maari nga na walang makakatalo sa presyo sa TA KE HO ME, sapagkat walang lasa ang mga sushi rolls nila at mas mabuti pa nga kung hindi kumuha ng sashimi nila dahil baka masasaktan lang ang tiyan mo dito. Batay sa aming karanasan, ang Izakaya Kikufuji ay ang pinakasulit na sushi restawran!

 

 

Images from:

http://thetummytrain.com/2016/01/21/sashimi-overload-izakaya-kikufuji/

http://www.anotsopopularkid.com/2014/12/izakaya-kikufuji-in-little-tokyo.html

http://www.foodspotting.com/places/559938-izakaya-kikufuji

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s